Bagong Taon, Bagong Pag-Asa: Isang Patimpalak

Gusto mo bang manalo ng iPod? ng Nokia phone? ng SM o Starbucks gift certificate? Basahin ang mga sumusunod na alituntunin!

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA: Isang Patimpalak sa Pagkuha ng Larawan at Pagsulat

Ikaw ba ay mahilig kumuha ng iba’t-ibang larawan gamit ang iyong digital camera? Mahilig ka bang magsulat ng mga sanaysay o maikling kwento? Kung ganoon, ipakita mo sa amin ang iyong galing!  Maaari kang manalo ng mga gift packs at ibang pang pa-premyo, at magkaroon ng pagkakataon na makita ng iyong mga kababayan ang iyong katha!

Ang Central Focus ay nag-iimbita sa lahat ng mga mambabasa nito (mapa-mag-aaral man, nagtatrabaho, propesyunal, o kahit sino pang interesado saan mang sulok ng mundo) na mag-sumite ng larawang personal nilang kinuhanan (isang larawan kada isang kalahok) o orihinal na panulat (isang akda kada isang kalahok) na sumusunod sa temang “Bagong Taon, Bagong Pag-asa.”

Detalye para sa patimpalak:

LARAWAN (PHOTOCONTEST)

  • Orihinal na kuha at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa
  • Siguraduhing maganda ang resolusyon ng larawan na isusumite
  • Bawal manipulahan ang larawan gamit ang kahit anong photo-editing application
  • I-save bilang JPG/JPEG ang larawan,

PANULAT (WRITING CONTEST)

  • Orihinal na panulat at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa
  • Maaring sumulat ng tula, sanaysay, maikling kwento, at kung ano-ano pang anyo ng panitikan.
  • Maaring isulat sa Ingles, Filipino, o Capampangan.
  • Hindi hihigit sa 1,000 salita.
  • Maaring kathang-isip o hango sa mga totoong pangyayari ngunit hindi dapat maninira kredibilidad ng kahit sinong tao, grupo ng mga tao, o institusyon.
  • I-save ang akda bilang DOC/DOCX.

MGA GANTIMPALA (Panulat at Pagkuha ng Larawan)

  1. Unang Gantimpala: Tig-isang (1) bagong iPod Shuffle!
  2. Ikalawang Gantimpala: Tig-isang (1) bagong Nokia X1 dual-sim phone!
  3. Ikatlong Gantimpala: Tig-isang gift certificate na nagkakahalagang P1,000.00!

KARAGDAGANG GANTIMPALA

Magkakaroon din ng People’s Choice award para sa PAGKUHA NG LARAWAN. Ang lahat ng mga lahok sa PAGKUHA NG LARAWAN ay ilalagay sa Facebook account ng Central Focus (http://facebook.com/CentralFocusOnline) sa ika-12 ng Disyembre (Lunes). Magkakaroon ng kompetisyon sa padamihan ng LIKES (mula ika-12 hanggang ika-31 ng Disyembre) at mula dito ay pipiliin ang itataguring People’s Choice. Ang gantimpala ng Top 5 People’s Choice ay ang mga sumusunod:

Top 1: Isang gift certificate na nagkakahalagang P1,000.00!

Top 2-5: Tig-iisang gift certificate na nagkakahalagang P500.00 bawat isa!

Ang mga magwawagi sa PAGKUHA NG LARAWAN at PAGSULAT ay huhusgahan ng mga piling lupon ng mga inamapalan (judges) mula sa iba’t-ibang sektor ng komunidad gamit ang mga sumusunod na gabay:

  • Pagiging orihinal ng konsepto
  • Pagsunod sa ibinigay na tema
  • Impact ng panulat o larawan
  • Katuturan sa lipunan

Ipadala ang inyong lahok bilang e-mail attachment sa address na centralfocus@ixi.ph. Ilagay sa SUBJECT ng email ang mga katagang: Bagong Taon, Bagong Pag-asa. Ilagay sa katawan ng e-mail ang mga sumusunod:

  • Name
  • Birthday
  • Contact information
  • Address
  • Caption sa larawan o deskripsyon sa akda na nakasulat sa Ingles o Filipino (hindi hihigit sa 250 letra kasama ang mga espasyo)

Huling araw ng pagpapadala ng lahok

  • Ika-9 ng Disyembre para sa Larawan
  • Ika-23 ng Disyembre para sa Panulat

Pagpapahayag ng mga nagwagi

  • Ika-9 ng Enero, 2012: Ipapahayag sa website ng Central Focus (http://centralfocus.ixi.ph) at sa Facebook Account (http://facebook.com/CentralFocusOnline)

Ang lahat ng mananalo (larawan at akda) ay magiging kasama sa unang isyu ng Central Focus sa taong 2012.

Kung kayo ay may mga katanungan, maari niyo kaming tawagan sa 045-3046018, i-text sa 09228618034, o i-e-mail sa centralfocus@ixi.ph.